Pag-angat ng kandidatura sa Cayetano, utang umano nito kay Duterte

Malaking tulong sa kandidatura ni Senador Alan Peter Cayetano sa Pagka-Bise Presidente ang ginawang pag-endorso sa kaniya ni Presidential Candidate Mayor Rodrigo Duterte na nangunguna ngayon sa mga survey.

Ayon sa ilang political analyst, ang mataas na puntos sa survey ng isang ay nakakatulong para tumaas ang popularidad ng kaniyang kandidatong bise presidente.

Ito ang nangyari sa kaso ni Duterte na hinatak pataas si Cayetano partikular sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Matatandaang sa survey ng Manila Broadcasting Company noong Abril a-dos ay nakakuha si Cayetano ng 30.2 percent sa Mindanao na sinundan ni Senador Bongbong Marcos na nakakuha ng 22.6 percent.

Si Cayetano din ang nangunguna sa Region 7, katulad ng Cebu, Bohol at Siquijor.

Matatandaag hinikayat din ni Duterte ang kanyang mga taga-suporta na iboto at suportahan si Cayetano bilang ka-tandem nito sa darating na halalan sa Mayo.

Speak Your Mind

*