Pagbasura ng Bank Secrecy Law, tiyak na oras na matapos ang imbestigasyon sa money laundering scam

Tiniyak ni Senador Koko Pimentel, miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee, na ibabasura ng senado ang Bank Secrecy Law oras na matapos ang imbestigasyon sa Multi-Million Dollar Money Laundering Scandal.

Ani Pimentel, nagkakaroon ng double whammy dahil sa maling interpretasyon ng Bank Secrecy Law.

Pero ayon sa Senador, tiyak na mapapanagot ang lahat ng sangkot sa kontrobersya kabilang ang Rizal Commercial Banking Corporation, dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Deguito, Philrem at mga negosyanteng sina William Go at Kim Wong.

Marami pa aniyang bubusisiing ebidensya ang senado.

Ngayong araw magpapatuloy ang ika-apat na imbestigasyon ng mataas na kapulungan sa nasabing kontrobersya.

Speak Your Mind

*