Pagbibigay solusyon sa climate change, isa sa tututukan ni Butch Merrera

Tututukan ng isang kandidato sa pagka-board member ng ika-dalawang distrito ng lalawigan ng Pangasinan ang pagbibigay solusyon sa climate change.

Ayon kay Butch Merrera, ang climate change ay isang International at Local na problema.

Giit niya na ang lubos na tinatamaan ay ang mga mga residente sa mga barangay dahil nakakaranas ang mga ito ng masyadong mainit na panahon, at flashflood o pagguho ang mga lupa mula sa bundok kung may kalamidad.

Kung magiging mapalad siya ang unang plano ni merrera ay magpapasa ng ordinansa para bigyang pagkakataon ang mamamayan na makapag-bahagi sa pagtatanim ng isang puno sa loob ng isang taon dahil makakatulong ito sa hindi pagguho ng lupa.

—-

Isa sa prayoridad na bigyang solusyon ng isang kandidato sa pagka-board member ng segundo distrito ng Pangasinan kapag nahalal sa posisyon ay ang problema sa drug addiction.

Sinabi ni Butch Merrera, ng bayan ng Binmaley na kulang ang bilang ng mga pulis kaya ang dapat gawin ng mamamayan ay tumulong sa paglutas ng problema.

Ayon kay Merrera, simple lang ang dapat gawin ng mga lider ng barangay. Dapat ay tumulong aniya ang mga ito sa pulis at ituro ang mga nagdi-distribute ng mga droga.

Dagdag nito na kung takot ang barangay ay ang mga pulis ang magsasagawa ng kaukulang aksyon.

Kinakailangan aniya na bigyan ang mga tao ng lakas ng loob para harapin ang problema para ang lahat ay makakapamuhay ng tahimik.

Speak Your Mind

*