Pagbibitiw ng mga opisyal ng MIAA dahil nangyaring brownout sa NAIA-3, inihirit

Hinamon ng isang kongresista ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority na magbitiw sa pwesto matapos ang nangyaring brownout sa Naia Terminal Three noong weekends.

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento, ang pagbibitiw sa pwesto ay paghingi ng paumanhin sa mga naperwisyong pasahero sa halos pitong oras na power outage.

Aniya, mas mainam kung magsumite na ng resignation letter ang mga MIAA Official at hayaan na si Pangulong Noynoy Aquino na magpasya kung tatanggapin ba ito o hindi.

Dagdag ng kongresista, malinaw na nagkaroon ng kapabayaan ang MIAA bukod pa sa hindi nito pagiging handa pagdating sa mga emergency.

Hindi rin aniya dapat gawing excuse na bihira lang ang brownouts sa NAIA para hindi mamintena ang mga generator sets.

Ipinatawag na ng Malacañang ang mga opisyal ng MIAA sa pangunguna ni General Manager Jose Angel Honrado.

Speak Your Mind

*