Paggamit ng mga Government Owned Vehicle sa pangangampanya, bawal ayon sa Comelec

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga Government Owned Vehicle sa pangangampanya.

Ito ang nilinaw ni Comelec Officer Michael Sarmiento, ganunpaman, wala pa naman aniyang naitatalang kaso ng paglabag ang mga local candidates dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinabi naman ni Sarmiento na sakaling may matanggap silang reklamo, maaari itong magsampa ang election offense.

Binigyang diin pa ng Comelec na huwag maliitin ang election offense dahil kapag napatunayang guilty ang isang akusado ay maaarin silang makulong ng isa hanggang anim na taon.

Bukod dito, kung ang isang akusado ay kasaluyuhan nakalulok sa puwesto ay maaari ito madismis sa serbisyo, at ang pagkadiskuwalipika na magtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno.

Speak Your Mind

*