Paggamit sa programang 4P’s ng pamahalaan sa political rallies, imbestigahan na

Nakatakda namang imbestigahan ng Commission on Election at ng Commission on Human Rights ang umano’y sapilitang pagpapadalo ng mga local na opisyal sa mga benipisyaryo ng 4P’s sa political rallies ni LP Presidential candidate Mar Roxas.

Itinuturo ni UNA Presidential candidate Jejomar Dinay si Social Welfare Secretary Corazon Soliman ang nasa likod ng naturang modus kung saan gingamit ang 4P’s para sa kandidatura ni Roxas.

Sinabi rin Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus na binantaan umano ni Soliman ang mga benipisyaryo ng 4P’s na kung hindi dadalo sa mga pro-rallies ni Mar ay babawasan ng tag-limandang piso ang kanilang nakukuhang buwanang sahod sa ilalim ng naturang programa.

Patunay aniya rito, ang naging sortie ni Roxas sa Cebu, Bacolod, Pikit sa North Cotabato at dito sa Metro Manila base na rin ulat na pinaabot umano sa kanya.

Taong 2013 umano ayon kay Binay ng unang ginamit ni Soliman ang 4P’s para sa mga kandidatura ng administrasyon.

Speak Your Mind

*