Paghahanda laban sa mga Dikya, mas pinaigting ng PDRRMO

Mas pinaigting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO paghahanda laban sa mga Dikya o Jelly Fish na maaaring makabikta ng mga beach goers.

Ayon kay Joven Solis, Secretary of Executive Director ng PDRRMO, nagpatayo ang ahesya ng Mini Hospital o Clinic sa Lingayen Beach Front para sa posibleng makagat ng Dikya.

Hinikayat ni Solis ang mga turista na maliligo sa Lingayen Beach na alamin kung saan nakatayo ang kanilang Beach Tower upang madaling makahingi ng tulong sakaling kapitan ng Jelly Fish Sting.

Makakabuti rin aniya ang magdala ng suka kung magtutungo sa beach dahil mabisa itong gamot sa nadikya, ngunit kung walang suka ay maaari namang gamitin ang tubig alat bilang paunang lunas.

Sakali naman aniyang malaki ng pinsala ng Jelly Fish Sting ay agad na rerespundi ang PDRRMO para sa pagdala sa pinaka malapit na hospital.

Speak Your Mind

*