Pagkakadawit sa mga pinoy na may Offshore Accounts, pinalagan ni Sen. Ejercito

Pinalagan ni Senador J.V Ejercito ang pagkakabilang niya sa mga pilipino na mayroon umanong Offshore Accounts batay sa expose ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ).

Ayon kay Ejercito, ibinabalik lang ang isyu dahil sa panahon ngayon ng eleksyon.

Ipinagtataka rin ng senador kung bakit pangalan niya lang at ng mga Marcos ang binibigyang pokus sa isyu gayong marami aniyang Pilipino ang sangkot din sa pagkakaroon ng Offshore Accounts.

Depensa ni ejercito, lahat naman ay deklarado sa kanyang statement of assets, Liabilities, and Networth (SALN).

Gayunman, inamin ng senador na involved siya sa Offshore Accounts dahil sa negosyante siya noon at direktor siya ng International Corporations.

Aalamin aniya ni Ejercito sa mga dati niyang kasama sa International Corporation kung saan-saan sila involved noon.

Speak Your Mind

*