Pagkapanolo ni Pacquiao kay Bradley, pinuri ng LGBT

Pinuri ng isang grupo ng mga LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) ang pagkapanolo ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa ikatlong paghaharap nito.

Ayon Evan Tan, ng Philippine LGBT Chamber of Commerce, nararapat lamang na bigyang pagkilala si Pacman sa mga karangalan na binibigay nito sa bansa bilang Sportsman.

Gayunpaman, dapat naman aniyang mas bigyan na lamang ni Pacquiao ng pansin ang pagiging boksingero nito kaysa tumakbo bilang mambabatas.

Matatandaan na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Pacquiao at mga miyembro ng LGBT nang masabi ni Pacquiao sa isang panayam na ‘Masahol pa sa Hayop’ ang pagkatao at gawain ng naturang grupo.

Speak Your Mind

*