Pagpapatupad ng “No Balance Billing” ng Philhealth, pinaigting

Mas pinaigting ng Philippine Health insurance corporation o Philheath ang pagpapatupad ng “No Balance Billing” o NBB Policy para sa piling miembro nito.

Nakapaloob umano rito ang pag-garantiya sa lahat ng miembro na wala silang babayaran sa pagpapagamot sa lahat ng pampubliko at piling pribadong pagamutan sa bansa.

Sa programang sagot ka ng Philhealth sa DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Majesty Ritchie Parayno, Medicial Specialist ng Philhealth Region 1, sapat na ang bayad ng Philhealth sa mga pagamutan para matiyak ang pasilidad at dekalidad ang serbisyo para sa pasyente.

Kabilang naman para sa mabebenipisyuhan ng NBB Policy ang mga kasambahay, indigent mula sa listahan ng DSWD, mga sponsored members ng mga lgus, mga senior citizen at mga life time members.

Mahalaga naman aniya na ang lahat ng mga qualified member ay ma-confine sa mga Philhealth ward o charity ward ng hospital para maka avail ng NBB Policy.

Speak Your Mind

*