Pagpili ng lider ng bansa, dapat isa-alang-alang ang kalooban ng Ama – PACQ

Mahigit isang buwan bago ang May 9 election, muling hinikayat ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang publiko na isa-alang-alang ang kalooban ng Ama sa pagpili ng bagong lider ng bansa.

Kung pagbabatayan ang track record ng limang presidentiable, lahat sila ay karapatdapat sa naturang posisyon.

Gayunpaman, sinabi ng butihing Pastor na nasa kamay pa rin ng mga botante kung pakikinggan ng mga ito kung ano ang gusto ng ama para sa bansa.

Aniya, tangging magagawa lang nito para sa bansa ay idalangin ito sa ama na paglain gaya ng pagpapala na tinatanggap ng Kingdom Nation.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Pastor Apollo na hindi nito gagamit ang salitang pag-endorso sa sinumang pulitiko para sa darating na eleksyon kundi rekomendasyon.

Una ng pinahayag ni Pastor Apollo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kalooban ng Ama para mamuno sa bansa.

Speak Your Mind

*