Pagsabog ng isang bus sa South Jerusalem, dalawampung katao ang sugatan

Umabot na sa mahigit na dalawampung katao ang naitalang nasugatan sa nangyaring pagsabog ng isang bus sa derech hebron sa South Jerusalem.

Ayon kay Israel Police Spokeswoman Luba Samri, inaalam na nila ngayon kung ang naturang pagsabog at pagkasunog ng bus sa terror or criminal incident.

Kinumpirma naman ng police bomb disposal experts na isang explosive device ang pinagmulan ng pagsabog.

Sa ngayon, patuloy na inoobserbahan ang mga pasaherong sugatan sa naturang pagsabog kung saan dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.

Speak Your Mind

*