Pagsasabi ni Pacquiao na magreretiro na sa boxing, Political Strategy lang

Duda ang boxing analyst na si Rene Lirio na magreretiro na si 8-division world champion Manny Pacquiao.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Lirio, sinabi nito na kaya lamang sinabi ni Pacquiao na magreretiro na siya ay para makuha ang boto ng mga pumupuna sa kanyang performance bilang kongresista.

Matatandaang sa kabuuang araw ng sesyon sa kamara, apat na beses lang dumalo si Pacquiao.

Nangako ngayon ang boksingerong kongresista na magpo-pokus na sa pagiging senador sakaling manalo sa halalan.

Speak Your Mind

*