Pagtalima sa tamang sukat ng campaign materials, ipinaalala ng Comelec

Ipinaalala ng bagong Election Officer ng lungsod ng Dagupan sa mga kandidato na tumalima sa tamang sukat at tamang lugar na paglalagay ng poster at tarpulin.

Ayon kay Atty. Nathaniel Siaden, ang standard size ng poster ay kasing laki ng long bond paper o 8 ½ by 14 inches, habang ang tarpulina naman ay two by three feet ang pinaka-maximum.

Kapag nakalagay naman ang mukha ng lahat ng mga kandidato sa isang tarpulin ang pinaka-maximum ay 12 feet by 16 feet para sa isang partido, kapag independent naman ay 4 feet by 6 feet.

Giit ng City Election Officer na tamang sukat pa rin ng poster at tarpulin ang dapat na sundin kahit ito ay ilalagay sa pribadong lugar o sa mga bahay, kahit na rin sa mga headquarters ng kandidato.

Ipinaalala rin niya na dapat ilagay ang mga campaign materials sa common poster area.

Inihayag pa ni Siaden na nagsagawa naman ang Comelec sa pangunguna ni dating Election Officer Atty. Ericson Oganiza ng operation baklas.

Ang pag-upo ni Siaden bilang election officer ng Dagupan ay epektibo noong nakaraang Biyernes.

—-

Nilinaw ng bagong election officer ng Dagupan City na ang kandidato pa rin ang magtatayo ng istraktura na pagkakabitan ng tarpulina o poster sa itinalagang common poster area ng comelec.

Inihalimbawa ni Atty. Nathaniel Siaden na kung ang itinalagang common poster area ay sa tabi ng Auditorium ay huwag magkabit sa poste, bakod o sa bubong.

Ang mga pwedeng ipatayong istraktura ay plywood o coco lumber para duon ikabit ang campaign materials.

Sa bawat common poster area, isang kandidato, isang istraktura, Gayundin sa bawat barangay ay may common poster area.

Speak Your Mind

*