Panama Papers, hudyat na para tanggalin ang Bank Secrecy Law

Sa paglabas ng tinatawag na “Panama Papers” o mga dokumento kaugnay sa mga nakaw na yaman ng mga politiko at sikat na personalidad sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang ang pilipinas, ay muling iginiit ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagtanggal sa Bank Secrecy Law para masilip ang mga deposito ng mga opisyal ng gobyerno.

Idinetalye sa “Panama Papers” ang mga transaksyon ng isang kompanya ng mga abogado sa bansang Panama na nangangalaga sa mga offshore accounts ng mga prominenteng politiko at kilalalang tao sa mundo.

Hinikayat din ni Escudero ang ibang opisyal ng pamahalaan, lalo na ang mga tumatakbo ngayong eleksyon, na magsumite rin ng waiver para masigurong hindi sila magpapayaman sa pwesto sa oras na mahalal.

Sa ilalim ng Republic act no. 1405 o Bank Secrecy act of 1955, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsisiwalat o pagsusuri sa mga deposito sa banko.

Speak Your Mind

*