Panamanian Law Firm, iginiit na walang inside job sa pagleak ng Panama Papers

Mariing itinanggi ng Panamanian Law Firm Mossack Fonseca na hindi inside job ang pagleak ng mga dokumento na naglalaman ng mga tagong yaman ng mga world leaders at iba pang kilalang personalidad.

Sinabi ng founding partner ng law firm na si Ramon Fonseca, na biktima ang kanilang law firm ng Cyberattack na posibleng dahilan ng pag-leak ng mga naturang dokumento.

Nilinaw rin nito na wala silang nilabag na batas at legal ang lahat nilang operasyon.

Hindi rin anila tinutulungan ang kanilang mga kliyente na umiwas sa pagbayad ng buwis o money laundering.

Nabatid na ang iskandalo ay nagpahiya sa maraming world leaders kabilang na ang nag-resign na si Iceland Prime Minister Sigmundur David Gunnlaugsson matapos masangkot ang pangalan sa tinaguriang “Panama Papers”.

Speak Your Mind

*