Pangangailangan ng mga manlalaro sa Palarong Pambansa 2016, tiniyak

Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na tutugunan nila ang lahat ng pangangailangan ng mga deligado para sa Palarong Pambansa 2016.

Ito ay matapos na makatanggap ng mga reklamo ang lokal na pamahalaan mula sa mga deligado sa naturang event.

Ilan sa mga hinaing ng mga manlalaro ang kakulangan ng mga bed mats, screened rooms, water supply, at mga palikuran.

Kaugnay nito, agad namang pinag-utos ni Albay Gov. Joey Salceda ang pag-iinspeksyon sa mga billeting center para agad na malaman ang anumang concerns at maiwasan na maulit muli ang mga reklamo ng mga deligado.

Sa Abril a-10 nakatakdang magsimula ang palarong pambansa 2016 na inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga manlalaro mula sa iba’t ibang probinsya sa bansa.

Speak Your Mind

*