Pangasinan, nakapagtala na ng Heat Stroke sa mga alagang manok

Nakapagtala na ang lalawigan ng Pangasinan nang kaso ng pagkamatay ng mga manok dahil sa Heat Stroke dala ng init ng panahon.

Ito sa isang poultry farm sa bayan ng Mapandan, Pangasinan kung saan mahigit 600 mula sa 11,000 mga alagang manok ang namatay matapos makitaan ng pananamlay at mahinang kumain.

Dahil dito, bahagya na ring naapektuhan ang produksyon ng itlog na bumaba na sa dalawampung porsyento.

Ayon kay Assistant Provincial Veterinarian Dr. Jovito Taragones na sa mga alagang hayop, malimit tamaan ang mga manok dahil mas mababa ang resistensya ng mga ito sa init ng panahon.

Maaari naman aniya itong maiwasan na maheat stroke ang mga manok sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang bintilasyon, pagpapainum ng maraming tubig na may bitamina at pagpapaligo sa mga alagang hayop.

Speak Your Mind

*