Pangasinan, pangalawa parin sa may pinaka mataas na kaso ng rabies sa bansa

Mas pinaigting pa ng Pangasinan Provincial Veterinary Office o PVO ng kampanya kontra rabies sa pamamagitan ng massive vaccination sa mga border province.

Ito’y dahil nananatiling pangalawa ng lalawigan ng Pangasinan sa buong bansa sa may pinaka-maraming kaso ng rabies.

Sa panayam ng KBP Forum, sinabi ni Dr. Jovito Tabarejos, Assistant Provincal Veterinarian, na inuna sa malawakang pagbabakuna sa mga alagang aso ang entry point mula sa Region 3 kung saan ito ang may pinakamataas na kaso ng rabies sa buong bansa.

Nilinaw naman ni Tabarejos na ang pagdami ng naitatalang kaso ng rabies ay dahil ay sa lumalawak ang kaalaman ng tao hingil sa rabies kayat halos lahat ng mga nakakagat ng aso ay dinadala na sa mga hospital.

Speak Your Mind

*