Pangasinan, posibleng ideklara nang Malaria Free Province

Inihahanda na ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang mga kakailanganing dokumento para sa inaasahang pagdating sa lalawigan ng kinatawan ng Department of Health (DOH) at Wold Health Organization (WHO).

Ito’y kaugnay sa isasagawang inspeksyon ng nasabing ahenysa sa hangarin na ideklara bilang Malaria Free Province ang Pangasinan.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzman, sa tulong ng mga Municipal Health Unit (MHU) limang taon nang walang naitatalang kaso ng Malaria ang Pangasinan.

Ganunpaman, patuloy naman aniyang naka-antabay ng pho sa mga mountainous area sa Western Pangasinan kung saan katabi nito ang lalawigan ng Zambales na may naitatala pang kaso ng Malaria.

Kasabay nito, payo naman ni de guzman sa mga pangasinense na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang mga lamok na nagdadala ng sakit na Malaria.

Speak Your Mind

*