Pangasinan, wala pang naitatalang kaso ng Armyworms

Wala pang naitatalang kaso ng pag-atake ng armyworms o tinatawag na harabas sa mga sakahan ng sibuyas sa lalawigan ng Pangasinan.

Inihayag ni Dalisay Moya, Office of the Provincial Agriculturist o OPAG Chief na ang una nang naitalang peste na sumira ilang sakahan sa lalawigan ay ang mga bobrats.

Ang paglitaw umano ng nasabing peste ay dahil sa subrang dami ng paggamit ng pestesidyo.

Samantala, paliwanag naman ni moya na tuwing mainit ang panahon at mahaba ang nararanasang dry season ay mabilis umatake ang Armyworms.

May pamamaraan naman aniya upang mapigilan ang pinsalang dulot nito sa pamamagitan ng regular na monitoring sa mga sakahan, pag-aalaga sa mga pananim at ang paggamit ng tamang pestesidyo.

Speak Your Mind

*