Pangasinan, walang pasok bukas kasabay sa pagdiriwang ng 436th Pangasinan Day

Walang pasok bukas, Abril a-cinco sa lalawigan ng Pangasinan para bigyang daan ang pagdiriwang ng 436th Pangasinan Day o Agew na Pangasinan.

Sinabi ni Gov. Amado Espino Jr. na ang mga inihandang aktibidades ay bahagi ng promosyon at makakatulong upang mas lalong mahalin ang kasaysayan at kultura ng pangasinan.

Mag-uumpisa ang selebrasyon sa pamamagitan ng thanksgiving mass na gaganapin sa Sison Auditorium sa bayan ng Lingayen na susundan naman ng programa na kasama ang Kurit Panlunggaring Awarding, presentasyon ng ortograpiya at giya para sa mga guro.

Papasinayaan din ang Pangasinan Heritage Center sa bahay ng Bengson-Yuson Family.

Magkakaroon din ng folk dance competition habang sa gabi naman ay ang cultural night.

Speak Your Mind

*