Pangulo ng Brazil, nahaharap sa kasong impeachment

Nahaharap naman ngayon sa impeachment ang pangulo ng Brazil na si Dilma Rousseff.

Ito ay may kaugnayan sa pagmamanipula umano ng administrasyon sa government accounts para itago ang lumolobong utang ng gobyerno ng Brazil.

Napagkasunduan ng congressional committee sa Brazil na isalang sa impeachment ang kanilang pangulong.

Sa naging botohan, tatlumpu’t walo ang bumoto pabor sa impeachment ni Rousseff habang ang dalawampu’t pito naman ang tutol dito.

Sa ngayon, ay inaantabayanan naman ang magiging boto ng mababang kapulungan ng kongreso sa Brazil na itinakda sa Abril a-disi siyete hanggang disi-otso.

Speak Your Mind

*