Panibagong kaso ng ebola virus, muling naitala sa Liberia

Isa na namang kaso ng ebola virus ang naitala sa Liberia.

Kinumpirma ito ng local health officials ilang buwan lamang matapos na ideklarang ebola virus- free ang West African Country.

Isa umanong limang taong gulang na batang lalaki ang nagpositibo sa naturang sakit at kasalukuyang ginagamot sa isang treatment center sa Monrovia.

Nagbabala naman ang World Health Organization sa posiblidad na bumalik ang ebola outbreak matapos na muling dapuan ng virus ang mga dating nakaligtas sa sakit.

Speak Your Mind

*