Panibagong Nuclear Test ng North Korea, kinondena ng Estados Unidos

Muli namang kinondena ng estados unidos ang panibagong nuclear test na isinagawa ng North Korea.

Napaulat sa Korean Central News Agency na naging matagumpay umano ang pagtest ng isang makina na may kakayahan para sa Intercontinental Ballistic Missile.

Sinabi ng estados unidos na dapat nang itigil ng naturang bansa ang ganitong aktibidad dahil makakagulo lamang ito sa katahimikan sa rehiyon ng asya.

Matatandaan na pinatawan na ng United Nation ng sanction ang North Korea dahil sa maki-ilang beses nitong pagsasagawa ng Nuclear Test.

Sa ngayon, ito na ang huling serye ng mga nuclear test at satellite launch na isinagawa ng North Korea.

Speak Your Mind

*