Panibagong pag-atake ng suicide bomber sa Turkey, 10 katao sugatan

Sugatan ang nasa mahigit na sampung iba pa sa muling pag-atake ng isang suicide bomber sa North-Western Turkey.

Ayon sa State News Agency, naganap ang pag-atake ng babaeng suicide bomber malapit sa grand mosque ng bursa sa Turkey.

Wala pa namang opisyal na pahayag dito ang Turkish Government.

Sa ngayon, patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa panibagong suicide attack.

Matatandaang ngayon taon ay ilang beses nang nakapagtala ng suicide bombing ang Turkey mula sa Islamic State Group at Kurdish Rebels.

Speak Your Mind

*