Pastor Apollo Quiboloy, ipinagtanggol ang ‘Rape Joke’ ni Duterte

Hindi natinag ang suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ kay Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito’y sa gitna ng pambabatikos kaugnay sa ‘Rape Joke’ ng alkalde na ginamit ng kalaban para sirain ito.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na si Duterte ang pinaka-gentleman kapag kasama ang mga kababaihan at bunga lang aniya ng galit kaya nakapagbitiw ng marahas na salita ang matalik na kaibigan.

Bagamat aminado si Pastor Apollo na brusko kung magsalita si Duterte, hindi naman aniya ito ang basehan ng magiging pamumuno nito sa bansa.

Ikinatuwa naman ni Pastor Apollo na sa kabila ng mga paninira kay Duterte ay patuloy pa rin ang solidong suporta ng mayorya sa mga Pilipino sa kandidatura nito.

Matatandaang nagsimula ang kontrobersyal na ‘Rape Joke’ ni Duterte kamakailan lang nang matanong kaugnay sa nangyaring panghohostage ng mga preso ng Davao City Jail sa mga kababaihan kabilang na ang Australian woman na pinatay at ginahasa ng mga suspek noong 1989.

Speak Your Mind

*