Pastor Quiboloy, naniniwalang hindi na magbabago ang mga suporter ni Duterte

PACQ11Hindi na mababago pa ang desisyon ng mga tao na sumusuporta kay Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang pananaw ni Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa mga black propaganda laban sa alkalde ng mga kalabang politiko.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, ang hinahanap ngayon ng mga tao sa isang lider ay ang kakayahang maibigay ang totoong pagbabago sa lipunan, at iyon aniya ang nakikita kay Duterte.

Una nang inihayag ni Pastor Quiboloy na mas marami pang atake ang ibabato laban kay mayor Duterte dahil sa lalong tumataas na ratings nito.

Dagdag pa ni Pastor Quiboloy, ang pag-atake laban kay Duterte ay para na ring pag-atake laban sa amang makapangyarihan.

Speak Your Mind

*