PDRRMO, pinaghahandaan na ang pagdagsa ng tao sa Pistay Dayat Festival

Inaasahan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang pagdagsa ng tao sa buwan ng Mayo kasabay sa pormal na pagsisimula ng Pistay Dayat Festival.

Ito ayon kay Avenix Arenas, Training and Information Head ng PDRRMO sa naganap na Kapisanan ng mga Broadcaster o KBP Forum kahapon.

Aniya, ngayon palang ay naka-antabay na ang PDRRMO para bigyang siguridad ng publiko lalo na ang mga magtutungo sa Lingayen Beach Front.

Sinabi pa ni Arenas na hihingi sila ng karagdagang Augmentation sa hanay ng PNP, AFP, at PCG dahil ang mga ito ay may kakayahan sa Rescue Operation sakaling makaroon ng insidente.

Paiigtingin rin Aniya ng PDRRMO ang Information Campaign o mga babala sa mga hindi dapat gawin upang makaiwas sa aksidente at maiwasang makapagtala ng casualty.

Speak Your Mind

*