Pelikula nina John Lloyd at Jennylyn, mapapanood na sa May 4

Pelikulang pagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, mapapanood na sa Mayo a-kwatro.

Nare-schedule ang movie release ng pelikulang pagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na “Just the Three of Us”.

Sa halip na sa Abril a-bente siyete, sa Mayo a-kwatro na sisimulang ipalabas ang naturang pelikula.

Ang “Just the Three of Us” ay nasa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Samantala, makakasabay nito ang release naman ng pelikulang “This Time” ni James Reid at Nadine Lustre.

Speak Your Mind

*