PHO, pinayuhan ang mga kandidato sa kampanya para iwas Heat Stroke

Iwasang magbabad sa init ng araw sa pagitan ng alas dyis ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Ito ang payo ng Pangasinan Provincial Health Office o PHO sa mga kandidato na nangangampanya para maiwasan na mabiktima ng heat stroke.

Ayon kay pho officer Dr. Anna de Guzman, ang matinding pagpapawis dala ng subrang init ng panahon ay nakapagpapahina sa katawan ng tao, maaaring magdulot pa ng heat cramp at heat exhaustion.

Kung hindi naman daw maiwasan na lumabas sa nasabing mga oras ay dapat uminom ng maraming tubig, magdala ng panangga sa init ng araw, magsuot ng kumportableng damit at inumim ang mga maintenance drugs kung may sakit na hypertension.

Speak Your Mind

*