Pinaka-mainit na temperatura ngayong 2016, naitala ng Pagasa-Dagupan kahapon

Naitala kahapon ng Pagasa sa lungsod ng Dagupan ang pinaka-mainit na temperatura ngayong 2016.

Ayon kay Weather Observer Evelyn Iglesias, pumalo ang temperatura sa 37 degrees celsius.

Paliwanag ni Iglesias na ito ay bunga ng Ridge of High Pressure na nasa Northern Luzon.

Ang pangalawa sa pinaka-mainit na temperatura ngayong 2016 ay naitala noong March 23 na pumalo sa 36.5 degrees celsius.

Sinabi naman niya na ang temperatura ngayon ay maglalaro sa 35 degrees celsius.

Base sa tala ng Pagasa sa kada taon ay ang pinaka-mataas na temperatura ay naitatala tuwing Abril at Mayo na posibleng papalo sa 37.5 hanggang 38 degrees celsius.

Speak Your Mind

*