Pinakamababang bid para sa gagamiting thermal papers sa eleksyon, isinumite

Tinalo ng Forms International Enterprises Corporation ang Smartmatic Tim Corporation sa may pinakamababang bid para sa thermal papers na gagamitin bilang Voter’s Receipt sa eleksyon sa Mayo.

49.5 million pesos ang alok na bid ng Forms International habang 83.6 million naman ang sa Smartmatic.

Ang dalawang kumpanya ang idineklarang eligible bidder ng Bids and Awards Committee ng Commission on Elections.

Nagkakahalaga ng 85.8 million pesos ang naturang kontrara para sa 1.1 million na rolyo ng thermal papers na gagamitin bilang resibo sa araw ng eleksyon.

Speak Your Mind

*