PNP, mahigpit na binabantayan ang mga PAG’s sa Pangasinan

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Philippine National Police ang Private Armed Groups (PAG’s) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na halalan sa Mayo a-nueve.

Ayon sa pulisya, dalawa umano sa PAG’s ang na-neutralize na nila habang ang dalawa ay mahigpit nilang tinututukan.

Katuwang ng PNP Regional Office ang intelligence unit para tuluyan ng mabuwag ang grupo at hindi magamit ng mga kandidato sa araw ng eleksyon.

Karamihan din aniya sa miyembro ng PAG’s ay nahuli na sa pamamagitan ng warrant of arrest.

Speak Your Mind

*