PNP, pin abulaanan na nakapasok sa bansa ang teroristang ISIS

Pinabulaanan ng Philippine National Police ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Ito’y matapos akuin ng teroristang grupo ang responsibilidad sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at bandidong abu sayyaf sa Tipo-Tipo, Basilan kamakailan.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, wala pa silang namo-monitor o natatanggap na impormasyon kaugnay sa presensya ng Jihadist o ISIS sa bansa.

Dagdag pa nito, patuloy nilang patutunayan na walang kaugnayan sa pagkamatay ng labing-walong sundalo sa naganap na madugong engkuwentro sa basilan ang teroristang grupo.

Tiniyak naman ni Mayor na mas pinaigting pa ngayon ng pnp ang kanilang operasyon at police visibility bilang kahandaan ng kanilang pwersa.

Speak Your Mind

*