Poe at Duterte, statistical tie sa mobile survey ng SWS

Tabla sa unang pwesto sina Senador Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinaka-huling mobile survey results ng Social Weather Stations.

Nakuha ni Poe ang 34 percent habang 31 percent naman kay Duterte sa naturang survey na ginawa noong Marso a-trenta.

733 katao ang naging respondents sa survey na may margin of error na plus minus 4 points.

Nasa ikalawang pwesto naman si Vice President Jejomar Binay at dating Interior Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 18 at 17 percent.

Isang porsyento naman ang nakuha ni Senador Miriam Santiago.

Ang mobile survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile phones ng 1,200 rehistradong botante kung saan 733 o 61 percent ang sumagot sa dalawa o tatlong survey questions.

Speak Your Mind

*