Poe-Chiz Tandem, may pinakamalaking gastos sa campaign ads ayon sa Nielsen Media

Ang tambalan nina Senador Grace Poe at Senador Francis Escudero ang may pinakamalaking gastos sa campaign ads.

ayon sa Nielsen Media, mula a-otso ng Pebrero hanggang a-trenta’y uno ng Marso, umabot na sa 567.6 million pesos ang kabuuang gastos nina Poe at Escudero.

Pumangalawa naman ang tambalan nina Liberal Party Bets Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo na umabot sa 437.2 million pesos ang gastos sa campaign ads.

Nasa ikatlong pwesto naman sina Vice President Jejomar Binay at Senador Gringo Honasan na umabot sa 345 million pesos.

Umabot naman sa 282.7 million pesos ang advertising expenses ng tambalan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Alan Peter Cayetano.

Sina Senador Miriam Defensor-Santiago at Senador Bongbong Marcos ay umabot naman sa 101.9 million pesos ang gastos sa campaign ads.

Samantala, umabot naman sa 38.9 million pesos ang gastos ni Senador Antonio Trillanes sa kaniyang mga campaign ads.

Speak Your Mind

*