Political analyst, nasorpresa sa pangunguna parin ni Duterte sa huling Pulse Asia Survey

Nasorpresa ang ilang political analyst sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey kung saan nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Nakuha kasi ni duterte ang pulso ng abc class, middle class at rich class ng mga pilipino na sumusuporta sa kandidatura ng alkalde.

Ayon kay De la Salle University Professor Richard Heydarian, hindi nangyari ang inaasahan ng mga political analyst na bumaba ang ratings ni Duterte dahil sa isyu ng rape joke.

Posible aniyang bumaba ang ratings ni Duterte sa susunod na survey kung saan nagkaroon ng diplomatic issue sa pagitan ni Duterte at ng Ambassador ng Australia at Amerika kaugnay sa rape joke.

Samantala, pinuri naman ni Heydarian si Duterte sa kaniyang performance sa nakaraang presidential debate.

Nagpakita aniya si Duterte ng conviction sa isyu ng Mindanao at peace process.

Speak Your Mind

*