Posibleng pagpasok sa bansa ng tilapia virus, pinangangambahan

Umaasa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi makakarating sa bansa ang kinatatakutang tilapia virus na kalat na ngayon sa ibang bansa.

Pinaniniwalang ang tilapia virus ay isang uri ng sakit na makakaapekto sa paglaki, at pagpaparami ng mga tilapia.

Sinabi ni BFAR- National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) Director Dr. Westly Rosario, na bagamat wala pa ang naturang virus sa bansa ay nakakabahala ito dahil tiyak na magpapabagsak ito sa industriya ng tilapia.

Kasabay nito, hinikayat ni Rosario ang mga fish grower na panatilihing may sapat ng suplay ng tubig upang maiwasan ang pagkalat ng kuto na salot sa alagang tilapia.

Speak Your Mind

*