PPH, nagpaalala sa publiko hinggil sa sakit na Hypertension

Nagpaalala ang Pangasinan Provincial Hospital o PPH sa mga may sakit na Hypertension bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon ngayon.

Ipinayo ni Dr. Policarpio Manuel, PPH Chief Administrator sa may mga sakit na hypertension na dapat laging may dalang maintinance ng gamot at huwag nang hintayin pa na tumaas ang kanilang blood pressure.

Samantala, wala naman umanong pinipiling edad ang sakit na heat stroke, maging mga bata at matanda ay puwedeng tamaan nito kung masyadong nakakaramdam ng init ng panahon.

Pero mas malapit umano sa heat stroke ang mga matatanda na may sakit sa puso, mag atleta at mga nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw kayat ipinapayo na iwasang mabilad sa sikat ng araw, magdala ng panangga sa init ng araw tulad ng payong at magsuot ng komportableng damit.

Speak Your Mind

*