PPH, wala pang naitatalang kaso ng Heat Stroke

Wala pang naitatalang kaso ng Heat Stroke ang Pangasinan Provincial Hospital.

Ganunpaman, patuloy na nagbabala si Dr. Policarpio Manuel, PPH Administrator sa publiko laban sa Heat Stroke dahil sa nararanasan ngayong init ng panahon.

Dagdag pa ni Manuel, posibleng maramdaman ang Heat Stroke lalo na kung ang isang tao ay nabababad sa ilalim ng init ng araw.

Dahil dito sinabi ni Dr. Manuel na mas mabuting iwasan ang magbilad sa araw mula alas-dyis ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Dagdag pa ng PPH na dapat ay magdala ng inuming tubig, magdala ng panangga sa init ng araw tulad ng payong at magsuot ng komportableng damit.

Speak Your Mind

*