PPPO, binabantayan ang naitalang kaso ng Election Related Violence

Mas pinaigting na ang pagbabantay ng Pangasinan Provincial Police Office o PPPO katuwang ang lahat ng hepe ng pulisya sa lalawigan sa mga kaso ng Election Related Violence sa lalawigan.

Ito’y matapos nakapagtala ng tatlong kaso ng Election Related Violence ang PPPO kabilang na rito ang umanoy panunutok ng baril ng tumatakbong councilor sa bayan ng Sison, pambubugbog ng tumatakbong mayor sa Urbiztondo at ang pamamaril sa ex-barangay captain sa bayan ng Rosales.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for operation ng PPPO, nagtalaga na ang pulisya ang committee na hahawak ng pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa Election Related Violence.

Hindi umano palalampasin ng pulisya ang mga taong sangkot sa posibleng maging daan ng karahasan sa lalawigan lalo na sa panahon ng halalan.

Matatandaan na kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa election watchlist area sa buong bansa kung saan limang lugar ang mahigpit na binabantayan ngayon ng PPO kasama na rito ang bayan ng Bayambang, Malasiqui, Bugallon, Urbiztondo at lungsod ng San Carlos.

Speak Your Mind

*