PPPO, naghahanda na sa gaganaping Presidentials Debate sa Pangasinan

Puspusan na ang paghahanda ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) sa nalalapit na Presidential Debates na gaganapin sa ika a-bente kwarto ng Abril sa Phinma-University of Pangasinan.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for operation, na isa sa kanilang tinitingnan at pinag-aaralan ang mga naging lapses o mga good practices ng naganap na mga nakaraang debate.

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan ang hindi magandang pangyayari kayat hihigpitan nila ang ipinapatupad ng Comelec kaugnay sa security escort.

Kasabay nito, inihahanda na naman ng Dagupan City Police Station (DCPS) ang ipapatupad na traffic rerouting upang matiyak ang seguridad ng nasabing aktibidad.

Speak Your Mind

*