Presyuhan sa mga produktong sibuyas, mahigpit na minomonitor

Nananatiling nakamonitor sa presyo ng produktong sibuyas ang samahang industriya ng agrikultura (SINAG) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Abono Partylist at SINAG Chairman Rosendo So, sinabi naman nito na matatag ang presyo ng sibuyas sa Pangasinan na pumapalo sa P38.00 kada kilo.

Pinangangambahan lang ayon kay So, ay ang pagdagsa ng bilang nang mga imported na sibuyas mula sa ibang bansa.

Iginiit ng sinag na mahalagang mamonitor ang import volume na pumasok at papasok pa sa bansa dahil posible itong maging dahilan ng pagka-lugi ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*