Programa kontra pang-aabusa sa mga matatanda, inilunsad ng DSWD

Upang maprotektahan ang karapatan ng mga matatanda sa anumang uri ng karahasan, isang programa ang inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Ito ayon kay DSWD Information Officer Iryn Cubangbang ay ang RSPPEC o “Reporting System and Prevention Program for Elder Abuse Cases” na kinapapalooban ng ibat-ibang sebisyo para sa mga matatanda na biktima ng pang-aabuso.

Layun din aniya ang programa na mabawasan ang insidente ng pag-abanduna at mga napapabayaang mga senior citizens na wala nang kakayahan na pangalaan ang kanilang sarili.

Sinabi pa ni Cubangbang na isa ang San Carlos City sa pilot areas sa buong bansa na nagkaroon ng ganitong programa kung saan naglalaan rito ang DSWD Region 1 ng sapat na pondo at technical assistance.

Speak Your Mind

*