Programa ng DOH na “Safe Motherhood”, mas pinaigting

Pinaigting pa ng Department of Health (DOH) Region 1 ang kanilang programa na “Safe Motherhood” sa layuning walang ina na mamatay sa panganganak.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Luzviminda Sanchez, Regional Maternal Health Program Coordinator ng Department of Health (DOH) Region 1 sinabi nito na layon din nito na matiyak ang pagkakaroon ng “Healthy Baby”.

Sinabi pa ni Sanchez na para makamit ito, kailangan-kailangan ng mga ina ng regular na free natal check-up, lahat ng mga pregnant mother ay manganganak sa hospital o saan mang health facility, at follow-up free natal check up pagkatapos manganak.

Binigyang diin ni Sanchez na mahigpit nang ipinagbabawal sa mga buntis ang panganganak sa bahay upang maiwasan ang anumang panganib at komplekasyon sa panganganak.

Speak Your Mind

*