Publiko, binalaan sa mga nabibiling karne sa mga palengke

Nagbabala ang National Meat Inspection Services o NMIS Region 1 sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga binibentang karne sa mga palengke.

Ito’y matapos na makakumpiska ang NMIS ng mahigit sa 170 kilo ng karne dahil sa paglabag ng mga tindera sa proper handling na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Ayon kay Eduardo Oblena, Acting Director III ng NMIS Region 1, bahagi ng programa ng ahensya na magsagawa ng regular monitoring sa mga meat channel na ibig sabihin ay lahat ng mga meat market ay iinspeksyonin.

Batay aniya sa Da-administrative Order No. 6 series of 2012 dapat nakalagay sa freezer ang mga ibinebentang karne at hindi dapat ihalo ang imported meat sa mga lokal na karne.

Kasabay nito, inihayag ni Oblena na maaaring maharap sa kaso ng mga tindera na patuloy na lumalabag sa mishandelled meat kabilang na rito ang hindi bababa sa P100,000 hanggang hindi tataas sa P1 milyong multa at hindi bababa sa anim na taon habang hindi tataas sa labin dalawang taong pagkakakulong.

Speak Your Mind

*