RCBC, sang-ayon na buksan ang record ng apat na bank account na ginamit sa money laundering scam

Sang-ayon ang Rizal Commercial Banking Corporation na buksan ang record ng apat na bank accounts na ginamit sa 81 Million Dollar Money Laundering scam.

Ito’y matapos i-prisinta ni Senador Bam Aquino sa pagdinig ng senado ang certification mula sa Land Transportation Office na nagsasabing ang mga ginamit na Driver’s License ay peke.

Punto ng Senador, legal nang basehan ang LTO Certification para isara ang mga bank accounts at buksan naman ang records ng mga ito.

Ayon kay Atty. Macel Estavillo, abogado ng RCBC, handa na silang buksan ang records ng apat kabilang ang Bank Account ni William Go na una nang sinabing peke ang nasabing bank account.

Tumanggi namang mag-isyu ng waiver si Philrem President Salud Bautista na mayroon ding bank account sa RCBC.

Speak Your Mind

*