Replacement Policy, hindi na ipinapatupad ng Red Cross-Pangasinan

Wala nang ipinapatupad na replacement policy ang Philippine Red Cross.
Ito ang kinumpirma ni Raymond Lim, blood donor recruitment officer ng Red Cross Pangasinan Chapter sa panayam ng Sonshine Radio.
Nilinaw ni Lim na inalis ang replacement policy dahil sumasalungat ito sa batas na voluntary blood donation dahil sa replacement policy ay napipilitan ang may pasyente na kumuha ng dalawang blood donor.
Ayon pa kay Lim, iniiwasan sa replacement policy ang mga professional blood donor na nagsisinungaling sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa interview para lamang makuhaan ng dugo kapalit ng bayad na pera.
Binigyang diin ni Lim na hindi na tinatanggap ng Red Cross ang replacement policy sa halip ay magbayad lang ng testing fee, may donor o wala ay makakakuha na ng dugo.
Sakali naman aniyang ang nangangailangan ng dugo ay indigent o mahirap sa buhay at walang pambayad ay maaari paring makakuha ng dugo sa pamamagitan ng blood samaritan program ng Red Cross.

Speak Your Mind

*