Revilla, pinayagan ng sandiganbayan na sumailalim sa dental check up

Pinayagan ng sandiganbayan ang mosyon ni Senador Bong Revilla na sumailalim sa dental check up.

Ngayong araw, nakatakdang lumabas sa pnp custodial center si Revilla upang sumailalim sa dental CT Scan sa Makati City.

Una nang pinayagan ng sandiganbayan si Revilla na makalabas sa kulungan para sa dental check up noong Oktubre ng nakaraang taon.

Una na ring sinabi ng PNP General Hopital – dental and oral surgery center na wala silang CT Scan Apparatus para masuri ang ngipin ng Senador.

Si Revilla ay kasalukuyang nakakulong dahil sa mga kinaharap na kaso kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Speak Your Mind

*